Panunumpa ng Bagong Santo Papa

Ika-8 ng Mayo 2025, Lungsod ng Vaticano - Pormal nang nanumpa si Pope Leo XIV bilang ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika sa isang makasaysayang Misa sa St. Peter’s Square.

Sa harap ng humigit-kumulang 200,000 katao — kabilang na ang mga pinuno ng estado, mga dignitaryo, at mga mananampalataya mula sa iba’t ibang panig ng mundo — tinanggap ni Pope Leo ang Fisherman’s Ring mula kay Cardinal Luis Antonio Tagle at ang Pallium, na sumisimbolo sa kanyang kapangyarihan at pananagutan bilang tagapastol ng buong simbahan.

Sa kanyang homilya, tinukoy ng bagong Papa ang kalungkutan sa pagpanaw ni Pope Francis, at ang pangangailangan ng simbahan para sa pagkakaisa at pag-ibig sa gitna ng kaguluhan, diskriminasyon, at kahirapan sa mundo. Ani niya, “Hindi kailanman gamit ang puwersa o propaganda, kundi sa pamamagitan lamang ng pagmamahal ng Diyos.”

Isinulong din niya ang pag-asa para sa kapayapaan sa mga lugar gaya ng Gaza, Ukraine, at Myanmar, at nanawagan sa simbahan na maging "isang lebadura ng pagkakaisa at pag-asa."

Si Pope Leo XIV, na ipinanganak na si Robert Francis Prevost sa Chicago, ay kauna-unahang Amerikanong Papa. Isa siyang Augustinian friar at dating Prefect ng Dicastery for Bishops. Sa kanyang unang misa bilang Santo Papa, sinabi niyang nais niyang maging “lingkod ng inyong pananampalataya at kagalakan.”

Isang bagong kabanata ang nabuksan sa kasaysayan ng Simbahang Katolika — puno ng pag-asa, pagkakaisa, at panibagong misyon para sa buong mundo/ Fr. Lito Jopson, Catholic Newsflash

Comments

Popular posts from this blog

Cardinal Re, nanawagan sa panalangin, pagkakaisa, at isang Santo Papa "ayon sa puso ng Diyos" sa pagsisimula ng Conclave

Sino si Leo XIV?

2nd voting: still no Pope