Papa Leo XIV, hinirang bilang ika-267 Santo Papa ng Katolikong Simbahan
Mayo 8, 2025, Lungsod ng Vaticano - Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita ang dating Kardinal Robert Francis Prevost bilang bagong hirang na Santo Papa sa kanyang bagong pangalang Leo XIV mula sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica matapos siyang hiranging bagong pinuno ng Simbahang Katolika. Sa kanyang makasaysayang talumpati, nanawagan siya ng kapayapaan at pagkakaisa sa gitna ng paghihirap ng sangkatauhan.
Buong pusong ipinahayag ni Pope Leo XIV ang mensahe ng "Kapayapaan nawa’y sumainyo!"—isang pagbating hango sa muling pagkabuhay ni Kristo. Hinikayat niya ang lahat ng tao, saan man sa mundo, na magsama-sama sa panalangin at pag-asa. Ipinagpatuloy niya ang mensahe ni Pope Francis—na ayon sa kanya, isang tinig ng tapang at biyaya—at tiniyak na ang kasamaan ay hindi mananaig.
Nagpasalamat siya sa kanyang mga kapwa kardinal at sa bayan ng Chiclayo, Peru, ang kanyang dating diyosesis. Nais niya ng isang simbahan na bukas, misionero, at handang makinig, magtayo ng tulay ng pagkakaunawaan, at maging malapit lalo na sa mga nagdurusa.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, inalay ni Pope Leo XIV ang kanyang panalangin sa Birheng Maria at nanawagan ng pagkakaisa tungo sa isang mapayapang mundo. Ito ang bagong simula sa pamumuno ng Simbahang Katolika./Fr. Lito Jopson, Catholic Newsflash
.png)
Comments
Post a Comment