Sino si Leo XIV?
Mayo 9, 2025, Lungsod ng Vaticano - Isang makasaysayang yugto ang muling itinakda ng Simbahang Katolika — si Cardinal Robert Francis Prevost mula Chicago, Estados Unidos, ay pormal nang naging Pope Leo XIV, ang ika-267 na Santo Papa ng Roma at kauna-unahang Augustinian Pope sa kasaysayan.
Isinilang noong Setyembre 14, 1955, si Prevost ay naglingkod bilang misyonero sa Peru nang halos dalawang dekada bago pinamunuan ang buong Augustinian Order ng dalawang termino. Siya rin ay naging Obispo ng Chiclayo, Peru, at Prefect ng Dicastery for Bishops bago hiranging Kardinal ng yumaong Papa Francisco noong 2024.
Bilang Santo Papa, dala niya ang karanasan bilang tagapagtaguyod ng kultura, edukasyon, at mga simbahan sa Latin America. Ang kanyang episcopal motto ay “In Illo uno unum” — tayo ay nagkakaisa kay Kristo.
Ito si Pope Leo XIV — isang pastol na handang maglingkod, magtayo ng tulay ng pagkakaisa, at manguna sa bagong kabanata ng Simbahang Katolika./Fr. Lito Jopson, Catholic Newsflash
.png)
Comments
Post a Comment