LUNGSOD NG VATICANO — Mayo 7, 2025 Ilang oras bago pumasok ang mga Kardinal sa Sistine Chapel upang pumili ng kahalili ni Papa Francisco, nagbigay ng makapangyarihang homiliya si Cardinal Giovanni Battista Re, Dekano ng Kolehiyo ng mga Kardinal, sa Misa ng “Pro Eligendo Romano Pontifice” sa Basilika ni San Pedro. Bagamat 91 taong gulang at hindi na maaaring bumoto, si Cardinal Re ang nagsilbing espirituwal na gabay sa mahalagang sandaling ito sa kasaysayan ng Simbahan. Hinimok niya ang mga kapwa kardinal na isantabi ang pansariling interes at taimtim na manalangin para sa paggabay ng Espiritu Santo. “Narito tayo upang hilingin ang kanyang liwanag at lakas,” aniya, “upang ang mapipiling Papa ay siyang kailangan ng Simbahan at ng sangkatauhan sa panahong ito ng matinding pagsubok at pagbabago.” Binigyang-diin niya ang utos ni Hesus na “mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo,” at nanawagan para sa isang Santo Papa na may kakayahang pag-isahin ang Simbahan sa diwa ng komunyon, kab...
Mayo 9, 2025, Lungsod ng Vaticano - Isang makasaysayang yugto ang muling itinakda ng Simbahang Katolika — si Cardinal Robert Francis Prevost mula Chicago, Estados Unidos, ay pormal nang naging Pope Leo XIV, ang ika-267 na Santo Papa ng Roma at kauna-unahang Augustinian Pope sa kasaysayan. Isinilang noong Setyembre 14, 1955, si Prevost ay naglingkod bilang misyonero sa Peru nang halos dalawang dekada bago pinamunuan ang buong Augustinian Order ng dalawang termino. Siya rin ay naging Obispo ng Chiclayo, Peru, at Prefect ng Dicastery for Bishops bago hiranging Kardinal ng yumaong Papa Francisco noong 2024. Bilang Santo Papa, dala niya ang karanasan bilang tagapagtaguyod ng kultura, edukasyon, at mga simbahan sa Latin America. Ang kanyang episcopal motto ay “In Illo uno unum” — tayo ay nagkakaisa kay Kristo. Ito si Pope Leo XIV — isang pastol na handang maglingkod, magtayo ng tulay ng pagkakaisa, at manguna sa bagong kabanata ng Simbahang Katolika./Fr. Lito Jopson, Catholic Newsflash
May 8, 2025, Day 2: After the first vote, the smoke that emitted from the chimney of the Sistine Chapel was black. The schedule for the next votes today is as follows: 12:00 noon (delayed), 5:30 p.m., and 7:00 p.m. or 6:00 p.m. (delayed), 11:30 p.m., and 1:00 a.m. Philippine time, respectively.
Comments
Post a Comment