Itim na usok, hudyat sa wakas ng unang araw ng Conclave - wala pang napipiling Santo Papa

Source: CBCP News

Mayo 8, Vatican City
— Isang makapal na itim na usok ang lumabas mula sa chimney ng Sistine Chapel bandang alas-nwebe ng gabi nitong Miyerkules, na hudyat na natapos na ang unang pagboto sa conclave ngunit wala pang nahalal na bagong Santo Papa.

Tinatayang nasa 45,000 katao ang nagtipon sa St. Peter’s Square upang hintayin ang anunsyo, na inaasahang lalabas pasado alas-siyete ng gabi. Ngunit naghintay pa sila hanggang alas-nwebe bago tuluyang nakita ang usok.

Panawagan sa lahat ng mga Katoliko na patuloy na manalangin sa Espiritu Santo upang gabayan ang mga kardinal tungo sa pagpipili ng papastol sa humigit-kumulang 1.04 bilyong Katoliko sa buong mundo. 

Ang mapipiling Santo Papa mula sa 133 na botanteng kardinal ay maaaring magmula sa Africa, Asia, Europa, o America.  Inaasahang siya ay isang banal na Santo papa na magiging gabay ng Simbahan, bukas at nakikipag-dialogo sa ibang relihiyon, lahi, at kultura, at tunay na pastol ng sambayanang Katoliko.

Samantala, nakaantabay pa rin ang buong mundo sa pagpapatuloy ng conclave upang malaman kung sino ang magiging ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika./Fr. Lito Jopson, Catholic Newsflash

Comments

Popular posts from this blog

Cardinal Re, nanawagan sa panalangin, pagkakaisa, at isang Santo Papa "ayon sa puso ng Diyos" sa pagsisimula ng Conclave

Sino si Leo XIV?

2nd voting: still no Pope