Mga Kardinal, Tinalakay ang Katangian ng Susunod na Santo Papa Bago ang Conclave

 


Lungsod ng Vaticano, Mayo 6 – Sa bisperas ng Conclave, nagtipon ang 173 na Kardinal, kabilang ang 130 na may karapatang bumoto, para sa ika-12 at huling Pangkalahatang Kongregasyon. Tinalakay nila ang mahahalagang katangian na dapat taglayin ng susunod na Santo Papa—isang pastol, tagapagtulay, at tagapagpatuloy ng reporma.

Ayon kay Matteo Bruni, tagapagsalita ng Vatican, 26 na mensahe ang ibinahagi na sumaklaw sa mga reporma ni Pope Francis, pagkakaisa ng Simbahan, pagbabago ng klima, mga digmaan, at ang pangangailangan sa isang Papa na may habag at pag-asa sa gitna ng pagkakawatak-watak ng mundo.

Idineklara ring walang bisa ang Ring of the Fisherman, at binasa ang panawagan para sa tigil-putukan at makatarungang kapayapaan.

Gaganapin ang Misa bukas ng umaga bago pumasok sa Conclave ang mga Kardinal. Magsisimula ang botohan sa Huwebes, at maaaring makita ang puting usok sa kalagitnaan ng umaga o gabi.

Tutok lamang para sa mga susunod na balita ukol sa paghalal ng bagong Santo Papa.

Comments

Popular posts from this blog

Cardinal Re, nanawagan sa panalangin, pagkakaisa, at isang Santo Papa "ayon sa puso ng Diyos" sa pagsisimula ng Conclave

Sino si Leo XIV?

2nd voting: still no Pope