Buod ng Homiliya ni Papa Leon XIV sa okasyon ng kanyang pagtatalaga bilang Santo Papa
Mayo 18, 2025, Vatican City -G inanap ang Misa para sa Pagsisimula ng Petrine Ministry ni Papa Leon XIV sa St. Peter’s Square , matapos siyang mahalal bilang ika-266 na kahalili ni San Pedro noong Mayo 8. Sa kanyang homiliya, ipinahayag ng bagong Santo Papa ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa simula ng kanyang ministeryo, kasabay ng pag-alala sa yumaong Pope Francis na nagbigay ng huling biyaya noong Linggo ng Pagkabuhay. Ayon kay Pope Leo, ang pagkakaisa ng College of Cardinals sa pagpili sa bagong Papa ay bunga ng panalangin at paggabay ng Espiritu Santo. Aniya, tinanggap niya ang pagiging Papa nang may takot at kababaang-loob, bilang isang kapatid at lingkod ng pananampalataya at kagalakan ng sambayanan. Ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng misyon ni San Pedro bilang "mangingisda ng tao" — isang paanyaya na ipalaganap ang pag-ibig ng Diyos sa mundo. Ang tunay na pamumuno, ayon sa kanya, ay hindi sa kapangyarihan, kundi sa pag-ibig na handang magsakripisyo para sa kap...